PUSONG BATO
ni: JOMAR LINGA
Ang isang pag-ibig, tulad din ng bagyo,
Masaya na malungkot, ang dulot nito,
Masaya dahil nagmamahalan tayo,
Malungkot, dulot ay sakit sa puso ko.
Susungkitin, mga bituin sa langit,
Pangako, noong ikaw ay kinukulit,
Kung imposible man, kukunin kong pilit,
Tapat na pagmamahal, aking sinasambit.
Naging masaya, ang mga buwang nagdaan,
Sa gabi man o araw, nagmamahalan,
Hindi buo ang araw, kapag kulang ang isa,
Simbolo ng pag-ibig, dulot ay saya.
Dumating ang araw, di inaasahan,
Nawala ang noon, wagas na pagmamahalan,
Duguan, durog, wasak itong puso ko,
Mali ba ang magmahal, ng isang tulad mo?
Abot-langit na sakit, ang dulot nito
Ako sayo’y nagtanong bakit mahal ko?
Minahal kita, bakit nagging ganito?
Bato ba ang puso, ng taong minahal ko?
ni: JOMAR LINGA
Ang isang pag-ibig, tulad din ng bagyo,
Masaya na malungkot, ang dulot nito,
Masaya dahil nagmamahalan tayo,
Malungkot, dulot ay sakit sa puso ko.
Susungkitin, mga bituin sa langit,
Pangako, noong ikaw ay kinukulit,
Kung imposible man, kukunin kong pilit,
Tapat na pagmamahal, aking sinasambit.
Naging masaya, ang mga buwang nagdaan,
Sa gabi man o araw, nagmamahalan,
Hindi buo ang araw, kapag kulang ang isa,
Simbolo ng pag-ibig, dulot ay saya.
Dumating ang araw, di inaasahan,
Nawala ang noon, wagas na pagmamahalan,
Duguan, durog, wasak itong puso ko,
Mali ba ang magmahal, ng isang tulad mo?
Abot-langit na sakit, ang dulot nito
Ako sayo’y nagtanong bakit mahal ko?
Minahal kita, bakit nagging ganito?
Bato ba ang puso, ng taong minahal ko?
No comments:
Post a Comment