http://www.facebook.com/#!/photo.php?pid=14445102&fbid=10150259186415713&id=232388115712&ref=nf
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=608260&publicationSubCategoryId=92
MANILA, Philippines - Sasampahan ng kasong administratibo ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga pulis na nag-posing sa hinostage na Hong Thai bus at ipinoste pa sa Facebook ang mga kuha.
Sinabi ni NCRPO Chief P/Director Leocadio Santiago na natukoy na ang nasabing mga pulis na nagpakuha ng larawan kung saan ginamit pang background ang nasabing tourist bus na hinostage ni dating Sr. Inspector Rolando Mendoza.
Sinabi ni Santiago na ang naturang mga Facebook cops ay posibleng makasuhan ng paglabag sa Code of Ethics ng PNP na may parusang pagkakasuspinde at demosyon kapag napatunayang guilty sa kasong administratibo.
Una ng pinuna at ikinairita ni PNP Chief Director General Jesus Verzosa ang nasabing pagpapakuha ng larawan ng mga pulis kabilang ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) team.
Ang nasabing posing ng mga pulis sa Facebook ay nagpainit pa lalo ng galit ng pamahalaan ng Hong Kong at ng mamayan nito sa gobyerno ng Pilipinas at sa PNP.
No comments:
Post a Comment