Slideshow: Showbiz Photos
Tiyak na aabangan na naman ng maraming Pinoy ang 10th season ng hit U.S. reality show na American Idol dahil dalawang kababayan natin ang nakapasok sa Top 24.
Naibalita na sa PEP Alerts kahapon, February 24, na pumasok si Clint Jun Gamboa sa Top 24, kasama ng apat na iba pang in-announce sa episode ng American Idol kahapon din.
Sa episode na ipalalabas ngayon, February 25, ipapakita naman ang pagkakasama ng 15-year-old na si Thia Megia sa Top 24. Si Thia ang huling female contestant na nakapasok sa Top 24.
Sa sususnod na linggo ay maglalaban-laban ang Top 12 male contestants at Top 12 female contestants para sa boto ng viewers hanggang sa tig-aanim na lang ang matitira. Ang mga natirang contestants ang bubuo sa Top 12.
Bukod kay Clint, ang iba pang male contestants na nakapasok sa Top 24 ay sina Brett Lowenstern, Jovany Barreto, Jacob Lusk, Paul McDonald, Robbie Rosen, Stefano Langone, Jordan Dorsey, Tim Halprin, James Durbin, Casey Abrams, at Scotty McCreery.
Ang iba namang female contestants na nakapasok sa Top 24, bukod kay Thia, ay sina Naima Adedap, Julie Zorilla, Karen Rodriguez, Lauren Turner, Kendra Chantelle, Ashton Jones, Rachel Zevita, Haley Reinhart, Lauren Alaina Suddeth, Pia Toscano, at Ta-Tynisa Wilson.
Ang huling nakapasok sa Top 12 ng American Idol ay si Ramiele Malubay noong Season 7, kung saan nanalo si David Cook. Nakaabot hanggang Top 9 si Ramiele.
Si Jasmine Trias naman ang may pinakamataas na naabot sa American Idol nang pumangatlo siya noong Season 3, kung saan nanalo si Fantasia Barrino.
Sa Season 3 din nakasama ang isa pang Pinoy na si Camille Velasco, na nakaabot hanggang Top 9.
American Idol is hosted by Ryan Seacrest, samantalang sina Randy Jackson, Steven Tyler, at Jennifer Lopez naman ang mga judge this season.
Ang American Idol ay napapanood sa Pilipinas via Q Channel 11 at sa cable channel na Star World tuwing Huwebes at Biyernes.
No comments:
Post a Comment