Sunday, March 31, 2013

FLASH BACK: Survivors ng bus vs trailer truck collision sa Benguet, na-trauma sa insidente


ShareThis
BAGUIO CITY - Na-trauma ngayon ang ilan sa 33 survivors sa pagbangga ng isang tourist bus sa 18-wheeler na trailer truck sa Marcos Highway, Badiwan, Tuba, Benguet alas-10:30 kagabi na ikinamatay ng pitong katao.
Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio sa Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC), nasa mabuting kalagayan na ang 33 na sugatan sa insidente pero nakakaranas ang mga ito ng trauma at hindi sila makapagsalita ng maayos.
Sa ngayon ay nakahimlay naman sa Baguio Memorial Chapel (BMC) ang bangkay ng mga biktima, kung saan kinilala ito ng mga otoridad na sina Jenny Lantoria, teacher ng Marinduque State College; certain Maricel; certain Tito Boyet na tour guide; at ang mga estudyante na sina Princess Pastor Fide, Dianne Laurio, Marvin Malatino at ang driver ng bus na si Leopoldo Nana.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng Tuba PNP sa tunay na sanhi ng aksidente, kung ito ay dahil sa sinasabing overspeeding o kung nawalan talaga ito ng preno para rin makapagsampa sila ng kaukulang kaso.
Matatandaang galing sa lungsod ng Baguio ang tourist bus (AFB-769) at pabalik na ang mga ito sa Metro Manila nang mawalan ng preno sa pababang kalsada at mabangga nito ang paakyat na trailer truck (WPG-581).
Samantala, patuloy naman na nagpapagaling sa ospital ang mga sugatan na sina:
1. Anralyn Molinas, 19, estudyante ng Marinduque State College
2. Marie Anne Regino, 20, estudyante ng Marinduque State College
3. Clarisse Penarubia, 19, estudyante ng Marinduque State College
4. Shera Marie Dolatugo, 18, estudyante ng Marinduque State College
5. Rufina Mae Tagle, estudyante ng Marinduque State College
6. Joselito Peralta, estudyante ng Marinduque State College
7. Mark Darwin Padaca, estudyante ng Marinduque State College
8. Randave Regala, 22, estudyante ng Marinduque State College
9. Sei Angeves, 18, estudyante ng Marinduque State College
10. Roselyn Roldan 19, estudyante ng Marinduque State College
11. Sandralyn Pialago, 18, estudyante ng Marinduque State College
12. Suxmipha Amen, 18, estudyante ng Marinduque State College
13. Rizalie Franca, 18, estudyante ng Marinduque State College
14. Genalyn Pontero, 18, estudyante ng Marinduque State College
15. Jeanie Mae Pedrialva, 19, estudyante ng Marinduque State College
16. Almar Regino -19, estudyante ng Marinduque State College
17. Jeninia Gomez, 22, estudyante ng Marinduque State College
18. Roshell Pernia, 20, estudyante ng Marinduque State College
19. Renzel Sulueta, 19, estudyante ng Marinduque State College
20. Lorena Villaruel, 19, estudyante ng Marinduque State College
21. Mary Joy Regala, 20, estudyante ng Marinduque State College
22. Manilyn Ray, 19, estudyante ng Marinduque State College
23. John Laurence Antolin, 22, estudyante ng Marinduque State College
24. Romel Pergis, 18, estudyante ng Marinduque State College
25. Aldrin Almonte, 22, estudyante ng Marinduque State College
26. Rebina Quele, estudyante ng Marinduque State College
28. Alfonso Feria, 23, tourist guide
29. Ryan Abrera-35, tour guide
30. Roger Cuyo Albayalde, bus driver
31. Joel Bengua, 33, truck driver, mula Antipolo
32. Jose Bonife, 33 Truck helper, mula Antipolo
33. Milagrito Balistoy, 29, truck helper, mula San Mateo

No comments:

Post a Comment