http://www.abs-cbnnews.com/video/lifestyle/10/03/10/granny-pursues-college-degree#ooid=BtOHhxMTqGD2sxUKrc3cq6lH_IW7yUVy
Abalang-abala ang 66-anyos na si Lola Ched Pingad sa paghahanda para sa kanyang klase bukas.
Second year na si lola sa kursong Bachelor of Science in Fisheries Education sa Laguna State Polytechnic University.
Disisais-anyos si Lola Ched ng huminto sa pag-aaral nang mag-asawa at asikasuhin ang 7 anak.
“Magmula ng mag-asawa ako, laba, luto,linis, laba, luto, linis, hatid ng bata,” ayon sa lolang kolehiyala.
Nang magtapos ang kanyang mga anak sa kolehiyo at pumanaw ang mister, tumulong sa simbahan si Lola Ched kaya maglibang sa Tong-its.
Sa isang kasama sa simbahan niya nalaman ang Alternative Learning System (ALS) ng DepEd. Doon siya nakakuha ng high school diploma para makapag-kolehiyo.
“Ngayon nalaman ko na may halaga pa pala ang buhay ko,” dagdag ni Lola Ched.
Kung dati, siya ang sumusuporta sa pag-aaral ng mga anak, siya naman ngayon ang tinutulungan sa mga assignments.
“Siya ngayon ang aming kolehiyala,” ayon kay Dr. Rebecca Pingad na anak ni lola Ched.
“We are supporting her 100%.” Ayon naman sa isa niyang anak na si Tin.
Nais maging guro ni lola Ched sa gma kapwa niya senior citizen at patunayang hindi pa huli ang lahat sa simumang nagsisikap. – Apples Jalandoni, Patrol ng Pilipino.
10/03/2010 11:42 PM
No comments:
Post a Comment