Tuesday, February 23, 2010

Cheryl Cosim on TV5




MANILA, Philippines – Maganda at malaki daw ang offer ng TV5 kay Cheryl Cosim kung kaya’t pagkatapos ng 14 years sa ABS-CBN, nakatakdang mag-ober da bakod si Cheryl.

Dalawang programa at mas malaki ang sahod kaysa sa natatanggap niya sa Dos ang offer kay Cheryl na hindi raw kayang pantayan ng Dos.

Simula raw sa March, gagawing primetime news anchor si Cheryl sa TV 5, kung saan makakasama niya si Paolo Bediones. Nauna nang lumipat si Paolo sa Singko mula sa GMA 7 bago pa mag-Pasko. Bibigyan din daw ng solo public affairs program si Cheryl sa TV 5.

At tanging si Cheryl lang daw ang babaeng anchor ng Dos na binigyan ng pormal na offer ng TV 5.

Wala raw bad blood kay Cheryl at sa Dos. Pero marahil dahil sadyang mahigpit ang competition sa Dos kaya’t hindi pa siya nabibigyan ng break sa primetime newscast or late evening news. Naga-anchor siya ng hourly news report daily, mula umaga hanggang gabi, may current affairs program siya at naririnig din siya sa DZMM radyo.

Madaming mas senior pa kay Cheryl sa Dos. Nandyan si Karen Davila at Ces Drilon at may nakakapansin na mas nabigyan pa raw atensiyon ng Dos sina Pinky Webb at Bernadette Sembrano na kung tutuusin ay mas nauna pa si Cheryl sa ABS-CBN sa mga ito.

Kaya din siguro nag-desisyon si Cheryl na tanggapin ang offer ng TV 5. Dito magkakaroon sya ng pagkakataon ng mapatunayan ang kanyang kakayanan.

Abangan ang pagsulpot ni Cheryl sa TV 5.

PILIPINO STAR NGAYON

1 comment:

  1. ako din pla makaksagot nung tanong ko sa facebook haha,,,

    ReplyDelete