Thursday, December 26, 2013

Ang iyong kapalaran sa taong ng kabayo:2014

Ang iyong kapalaran sa taong ng kabayo:2014
ni: Emosians

Year of the Rat
Ang pinanganak sa taon ng DAGA ay charming at agresibo. Sila ang mga taong expressive at minsan sobra ang pagiging talkative. Mahilig silang lumabas para mag-party at ang ilan naman sa kanila kuntento na lang sa mahabang oras na pakikipag-usap or bonding. Pero sobrang bihira sa pinanganak na sign na ito ang tahimik. Kaya sa taong 2014 ay maraming pagsabok sa iyong pagkatao lalo na sa pakikisama pero dahil ikaw ay experyensyado na sa mga ganitong pagsubok makakayanan mo rin ito.  Sa mga naghahanap ng bagong trabaho ito ang pinaka-swerteng taon na makakakita ka ng “dream job” mo pero sa bagong trabaho na ito magkakaroon ka ng bagong pakikisama na mahihirapan ka kasi nasanay ka na kahit bago mong kakilala ay nakakagaanan mo ng loob. Kaya sa 2014 wag na kang mawalan ng kumpiyansa at maniwala sa inyong kakayahan. Sa usaping pangkalusugan naman, kailangang pagtuunan ng pansin ang sariling katawan pag may iniinda ka ng sakit dapat wag balewalain at agarang magpatingin.  At dahil maraming trabaho na darating sa taong 2014 wag masyadong abusuhin ang katawan sa trabaho at bigyan ang oras ang sariling magpahinga.  Sa taong 2014, ang usapang pinansyal ay makakaroon na rin ng panimulang ipon, siguraduhin mo lang na ‘di mo na ito magagastos pa para sa darating na mga taon. Sa taong ito umiwas muna sa paglabas labas, sobrang pamimili at iba pang bagay na di naman importante.  Ang sobrang pakikisama ay iwasan. Mag-ingat na isang matagal ng kakilala na maaring umutang sayo at di bayaran.

Year of the Ox 
Ang mga pinanganak sa taon ng mga BAKA ay kinakonsiderang hard-working at pursigido sa trabaho sila ang mga taong tumatagal sa kumpanya at di matawaran ang loyalidad. Sa taong 2014, dito ka makakaranas ng tinatawag na work politics kaya mag-ingat sa opinyon na maaaring ikasangkot mo sa isang away. Mag-ingat sa mga taong double face ang pag-uugali dahil pwede ka nitong baliktarin. Mag-isip munang mabuti sa mga desisyon at wag ibase sa emosyon. Sa usapang lovelife, magkakaroon kayo ng “trust issues” ng iyong partner at dahil very vocal ang mga pinanganak sa taon ng BAKA kinakailangan mong magpakumbaba at iwasang makapagbitiw ng masasakit na salita sa iyong partner. Para naman sa mga single, ito din ang swerteng taon para sa love life di gaanong seryoso pero magiging parte ng pagbabago sa iyong pagkatao at pananaw sa buhay. Mas may improvement rin ang usapan pinansyal sa taong 2014 pero umiwas sa sobrang kagarbuhan dahil ito lagi ang nagiging rason ng pagkawala ng pera. Huwag hayaang magpatalo sa stress sa taong ito isipin na lamang na wala ito sa mga napagdaanan mo.

Year of the Tiger 
Pinanganak na mga liders ang mga taong pinanganak sa taong TIGRE. Sa taong 2014 ay napakaswerte sa iyo pero kinakailangan mong tanggapin yun mga pagbabago at buksan ang pag-iisip mo sa mga suggestion ng ilan. May ugali ka kasing ayaw mo sumunod at gusto mo ikaw lagi ang manguna dapat sa taong ito matutunan mo naman ang maging tagasunod at kapag natutunan mo yan maibabalanse mo na ang mga bagay bagay at diyan magsisimula ang swerte mo. Sa 2014, financially secure ka rin.  Sa taong ito makakaranas ka ng recognition at promosyon. Nakikitaan ko rin ang magandang tagumpay sa taong ito at dahil dito panatilihin ang pagiging mapagkumbaba dahil minsan nagiging dahilan ito ng pagkalaki ng ulo at pagkairita ng ilan mong kasama. Sa mag-asawang tapat ay susuwertehin pero kapag ikaw ay may sikreto lalabas at maaaring sumira sa relasyon at tiwala sa taong ito. Usapang pangkalusugan naman, minor na sakit lamang tulad ng lagnat, sipon at iba pa na di naman nakakabahala. Sa taong ito ang pinakaswerte ay maglakbay sa malalayong lugar upang magtrabaho o di kaya naman magbakasyon.

Year of the Rabbit

Sa taong 2013 ay di gaanong naging kaayaaya sayo dahil sa mga stressful na sitwasyon na naranasan mo at asahan mo naman ang taong 2014  ay simula ng iyong pagbangon o simula ng magandang buhay para sa iyo. Sa mga zodiac sign ang KUNEHO ay ang pinaka-entertainer sa lahat, madalas sila ay kapansin-pansin at ugali na rin nila humingi ng atensyon at dahil dito mag-ingat sa kilos na maaaring ikasama o di kaya magkaroon ng maaaring maling interpretasyon sa iyo. Maraming trabaho para sa iyo sa taong ito kaya mawawalan ka ng oras sa iyong mahal sa buhay kaya siguraduhin mong maging balanse ka sa bagay na ito. Sa taon ding ito makikitaan mo ang mga kaaway na nagbabalat kayong kaibigan, mag-ingat magbahagi ng iyong sikreto. Sa 2014 ay marami ka ring nakikitaan ng magagandang karanasan sa paglalakbay. Sa lovelife naman, ay makikitaan ng kaunting pagkabagot sa iyo at iyong partner kaya gawing masaya ang relasyon sa pamamagitan ng bagong activities na di niyo pa pareho nagagawa. Sa mga singles naman, medyo di swerte kasi hindi pa darating yun “the one.” Sa usapang kalusugan maging maingat at mapanuri sa pagkain

Year of the Dragon
Ang mga pinanganak sa year of the DRAGON ay kinokonsiderang dugong bughaw sila sa lahat ng sign at pinapangarap na maging anak ng mga Instik dahil may swerte daw silang hatid.  Sa taong ito ay normal naman at walang gaanong pagbabago. Pero may darating na di halatang oportunidad na dapat pag-isipan mabuti hangga’t maari maging mapanuri at ibase sa iyong intuition kung ano dapat ang gawin para di ito pagsisihan. Ang tamang pagdedesisyon ang magiging dahilan sa magandang buhay na hinahangad mo. Magkakaroon ka rin ng mga problema sa kasamahan sa trabaho/kapitbahay/kaibigan na kokontra sa iyong mga opinyon na maaaring maging worst enemy mo. Sa 2014 medyo magiging tagilid ka sa pinansyal at kapag ang gawain mo ay sangkot sa illegal na gawain, di magiging maayon ang taong ito sa’yo. Maging maingat sa mga offer na sobrang mura o di kaya sa negosyong nanganganako ng pagyaman dahil sa taong ito malapitin ka sa mga manloloko kaya maging maingat. Sa lovelife naman walang pagbabago isang normal na taon ito sa inyong mag-asawa. Sa usaping kalusugan ay di naman magiging problema sa taong it
                 
Year of the Snake
Ito ang taong ng pagbabalat ng ahas kaya magkakaroon ka ng magandang pagbabago. Sa mga nagtatatrabaho naman dito mo madidiskubre ang panibagong talent at mas malalaman mo na ang direksyon na gusto mong patunguhan at higit sa lahat mas makilala mo na ang iyong sarili.  Ugaliin lamang magpokus at iwasan ang ugali mong ningas kugon kinakailangan pag nasimulan ang isang bagay ay tapusin ito. Ang taong ay napakaswerte mo sa usaping pinansyal kaya ilagay sa ayos ang ipon pero take note may mga pinanganak sa taong ahas ang di susuwertehin sa pera sa kadahilanang may malaki silang pagkakagastusan sa taong ito. Sa mga ahas ito ay magandang taon sa relasyon para magbonding at sa mga singles naman goodbye na sa status na ito. Sa usaping pangkalusugan, magiging masayahin ka kaya wala kang magiging problema. Magandang taon ito para pumasok sa mga activities tulad ng gym, dance school, etc.
     
Year of the  Horse 
Sa mga pinanganak sa taon ng KABAYO napaka-importante sa kanila ang salitang freedom at independence dahil sa taong ito ay medyo magiging mabagal at pangkaraniwan sa’yo ang pang-araw-araw pero mas magiging masaya kapag natanggap mo at natutunan mo ang salitang responsibilidad. Sa 2014 magkakaroon ka rin ng biglang kayamanan kaya maging maingat sa paligid na maaaring ikapahamak mo o di kaya ng malapit sa’yo o di kaya umiwas ka na sa sugal kundi dadaan lang sa palad ang magandang swerteng ito. Sa usapin ng lovelife mas makikilala mo ang partner mo kaya may makikitang pagbabago sa kanya at mabuting mag-adjust at tanggapin ito. Sa usaping pangkalusugan, perfectly fit ka pero mabuting pagtuunan ng pansin ang baga kung nakakaramdam ka ng hirap sa paghinga dapat itigil ang bisyo o maling diet.

Year of the Sheep 
Sa lahat ng mga sign ang taong pinanganak sa KAMBING ay pinaka-insecure ibig sabihin gusto nila makaramdam ng pagmamahal at proteksyon sa taong nakapaligid sa kanila kundi sila ay nagiging maiwasin sa taong ito. Ituturo sa’yo na ang salitang pagmamahal ay nagsisimula sa sarili, pag nagawa mo itong matutunan mas magiging masaya ka sa buong taon ng 2014. At dahil emosyonal din ang mga kambing minsan nababalewala niya ang talino kapag emosyon ang pinairal kinakailangan maging matigas ang dibdib mo sa mga desisyon at wag umayon lamang parati sa sinasabi ng iba. Sa mga may partner na kambing wag ka maging demanding this year kundi magiging dahilan ito ang laging pag-aaway ng kapareha, sa mga singles makakaroon ka ng mga karelasyon pero di nangangako ng seryosong pagmamahal kaya siguraduhin wag ibigay lahat at ibuhos ang pagmamahal. Sa taong ito may magiging smooth ang pasok ng pera wag ipasok sa maling gawain o negosyong walang kasiguraduhan. Sa pangkalusugan magkakaroon ng kaunting problema sa balat kaya maging maingat sa mga pinapahid o iniinom.

Year of the  Monkey 
Sa pinanganak sa taon ng UNGGOY, sa taong ito ay nahahati sa dalawa: 6 na buwan ng kamalasan at 6 na buwan na swerte kaya maging maingat sa mga maling desisyon lalo sa biglang pag-alis sa trabaho, paglipat ng bahay at iba pang kinakailangan ng malakihang desisyon. Napakaimportante sa taong itong ang commitment sa trabaho wag mong hayaang kontrolin ka ng galit dahil yan ang makikitang kahinaan sa’yo ng kaaway. Sa taong itong magiging swerte ka sa usapin ng pera pero wag pairalin ang ugaling makasarili kasi gulong ang buhay maaari nasa itaas ka ngayon at pano ang pagbaba mo sino ang tutulong sa’yo kaya isiping mabuti ang tamang pagmamahal sa kapwa kaya hangga’t maari wag kang gumawa ng bagay na panglalamang sa kapwa. Sa usapin ng lovelife, medyo lie low ka muna dito pagtuunan mo ng pansin ang mas importanteng mga bagay tulad ng kinabukasan at wag masyadong bigyan ng luho ang kapareha. Sa mga singles naman walang garantisadong maayos na karelasyon kaya i-enjoy na lang ang karanasan at wag masyadong seryosohin.  Sa usaping pangkalusugan, wag masyado maging emosyonal baka magkaroon ka ng sakit sa puso or nervous breakdown panatilihing malakas ang loob ito ang magandang oras para sa touch therapy tulad ng pagyakap sa mahal sa buhay dahil ito ay magbibigay sa iyo ng lakas ng loob para harapin ang mga hamon sa buhay.

Year of the Rooster 
Ito ang taon ng pagbabago sa’yo at kinakailangan mong tanggapin iyon at dahil maluho ka sa magagandang damit at pamumuhay, ang taong ito para sa ROOSTER ay panahon para matutunan mong  makiayon at maging ordinaryo. Ang pinanganak sa taong ito ay kilala sa kanilang talino kaya hangga’t maaari hayaan mo ang kapwa mo makapansin nito pagnatutunan mo sa 2014 ang salitang karungunan mapapasayo ang hinahangad mo na buhay minsan kailangan mangyari sa’yo ang mga paghihirap na naranasan mo para matutunan mo ang mas malalalim na ibig sabihin ng talino. Ito rin ang tamang panahon para gamitin ito kaya sa usapin ng pera dapat this time natuto ka na isipin mo ang kinabukasan hindi ang temporary na kasiyahan dulot sa’yo ng panglabas na  katayuan sa buhay. At dahil natural sa tadyang ang pagiging mabuti sa pamilya ito ang panahon na isipin muna ang sariling pangangailangan at siguraduhin ang iyong  kinabukasan. Sa mga may kapareha, makikitaan ko ng madalas na pagtatalo sa isa’t isa kaya mabuting sarilinin na lamang ang hinanakit at wag magdamay ng iba para di na lumaki pa ang isyu. Sa mga singles malungkot ang lovelife pero ito ang time i-enjoy ang mga importanteng tao sa paligid. Sa kalusugan ang madalas na pag-ubo ay kinakailangan ng ipasuri.

Year of the Dog 
sa kanilang kapwa. Kung sa taong 2013 ikaw ay sinuswerte ibig sabihin hangang 2014 magpapatuloy ang iyong swerte ito ay isang handog sa asong walang hanggang ang kabaitan isang reward at isa naman sumpa sa lahat ng nakaaway at umabuso sa mga aso. Kung naging good karmatic year sa’yo ang 2013 mas magiging mas maganda ang pagbabago sa buhay ng 2014 wag lamang magbabago at panatilihin ang pagiging mabuti sa kapwa. Sa 2014 nakikitaan ko lang ang madalas na paglabas-labas at pag-attend sa mga okasyon kaya kinakailangang isiping mabuti di lahat ng bagay ay mananatiling pareho kaya isipin rin ang kinabukasan. May ugali ang aso na binibili nito ang pagmamahal sa materyal na bagay kaya baguhin ang iyong istratehiya at hayaan mo tanggapin ka at mahalin ka kung ano at sino ka pa man. Sa 2014 di mo pa rin maiiwasan ang mga inggit na nakapaligid kaya maging mapanuri ka sa taong pakikisamahan mo baka gamitin ka lamang. Sa 2014 dodoble ang iyong timbang dahil kung busog ang pera sobrang kabusugan din ang tiyan kaya isipin mabuti ang diet. Ilagay sa tama ang pagkain

Year of the Pig
Kung di nakiayon sa’yo ang 2014 kung saan marami kang naging nakaalitan o madami kang naging pagsubok, sa taong ito ka babangon at may makikilala kang tutulungan kang bumangon. Nakikitaan ko rin magkakaroon ka ng mga tapat na kaibigan bagama’t bago mong kakilala sigurado soulmate mo di ibig sabihin magiging kasintahan mo pero isa o marami tao na andyan at dadamay sa’yo at nasayo ang suporta. Sa usaping pinansyal naman, ang BABOY ang pinakaswerte pero ang madalas na nagiging problema nila ay di nila alam kung paano i-activate ang wealth luck nila. Simple lamang ito kung mag-imbak at mag-iipon sa maliit na bagay, makikita mo ang swerte at kusang darating pag may laman ang iyong ipon at siguraduhing laging may kaban ng bigas ang bahay. Sa mag-asawa swerte ngayong taon marami kayong magagandang alaala na maaari ninyong balikan at ito ang tamang panahong puntahan ang mga lugar na may espesyal na pangyayari sa inyong buhay dahil makakakuha kayo ng kakaibang enerhiya mula doon. Sa mga single naman magiging malakas ang appeal mo kaya siguraduhing tapat ka sa magiging partner or else magkakaroon ka ng sanga-sangang problema. Sa mga pinanganak sa taon ng baboy lalo na ang laging umiinom ng alak ngayon ang taon na dapat iwasan ito dahil bago magtapos ang 2014 nakikitaan ko ng mga kumplikasyon sa bandang sikmura o tiyan.http://www.daloykayumanggi.com/blog/angiyongkapalaransataongngkabayo2014

No comments:

Post a Comment

Post a Comment