Wednesday, September 8, 2010

Ang yaya ni Piolo ang nanalo sa Survivor Philippines Celebrity Edition?

http://starmometer.com/ep/2010/09/ang-yaya-ni-piolo-ang-nanalo-sa-survivor-philippines-celebrity-edition/

(yaya ni piolo pascual sa speed babad commercial)

Katatapos pa lamang umere ng Survivor Philippines Celebrity Edition ay kumakalat na sa twitter na ang nanalo raw sa nasabing reality program ng GMA ay ang yaya ni Piolo Pascual na si Moi Marcampo.

Ang nasabing leakage na si Moi ang nagwagi sa Survivor Philippines ay nagmula raw diumano sa mga Twitter accounts ng ilang mga kapamilya celebrities.

Pero ayon kay Raymond Gutierrez, ang kakambal ng host ng Survivor na si Richard Gutierrez, hindi pa raw ginaganap ang finale ng reality show. Live voting daw ang magaganap at live rin daw ito na eere sa GMA 7.

So walang katotohanan na si Moi ang nagwagi sa Survivor. Baka isa lang siya sa dalawa o tatlong outcasts na hindi pa rin natatanggal.

No comments:

Post a Comment