http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=625416&publicationSubCategoryId=92
MANILA, Philippines - Umabot sa 153 bagong kaso ng HIV/AIDS  infections ang naitala ng Department of Health (DOH) nito lamang mga  nakaraang araw na nagresulta sa paglobo sa 1,201 ang bilang ng mga  taong positibo sa naturang nakamamatay na sakit sa bansa mula Enero  hanggang Setyembre ngayong taon.
Batay sa 2010 HIV and AIDS registry ng DoH, ang 153 bagong HIV/AIDS  infections ay mas mataas kumpara sa 56 noong 2009.
Ang kalahati o 77 ng sakit ay mula sa National Capital Region (NCR)  at tatlo sa mga ito na pawang mga lalaki, ay kumpirmadong full-blown  AIDS na ng maiulat sa ahensiya.
Sa kabuuang 1,201 positibong kaso ngayong 2010, nasa 15 ang  full-blown AIDS na karamihan ay nahawa dahil sa pakikipagtalik. Dalawa  na rin ang namatay ngayong taon.
Bukod sa sexual contact, kalimitang sanhi ng pagkahawa ng sakit ay  mother-to-child transmission, blood transfusion, injecting drug use, at  needle prick injuries.
No comments:
Post a Comment