Wednesday, May 6, 2009

para sa lahat ng mga anak na may mga magulang pa,,,lalo na kay inay,,huwag natin hintayin na mahuli ang lahat bago tayo kumilos...

Mahal kong Anak,

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.
Kapag
dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng
sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan.
Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.
Kapag
mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag
mo naman sana akong sabihan ng ‘binge!’ paki-ulit nalang ang sinabi mo
o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.
Kapag
mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo,
katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.
Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.
Natatandaan
mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo ‘yong
sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga’t hindi mo nakukuha ang
gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin
sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong
piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag
nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.
Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit, Dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.
Kapag
may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo,kahit sandali lang.
Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.
Alam kong
busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na
akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga
kwento ko.
Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong
pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong
teddy bear.
At kapag dumating ang sandali na ako’y magkakasakit at
maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.
Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi
sa higaan,Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng
aking buhay.Tutal hindi na naman ako magtatagal.
Kapag
dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay
At bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.
At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana …
Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina…

Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan

3 comments:

  1. nanay millet,,,happy mothers day..
    ate irene,ate che, tiya emie,tya agnes,tya myrna...happy mothers day

    at sa lahat ng mga anak na makakabasa nito sana maiparamdam natin sa ating mga nanay ung ating pagmamahal this coming mothers day

    ReplyDelete
  2. i like diz 1
    happy motherz day 2 ol especially my mother love u.....

    keep safe...

    ReplyDelete
  3. for the 2nd visitor who comment can i know ur name if you wont mind? thanks for dropping by,,

    ReplyDelete