Tuesday, November 9, 2010

BANGUNGOT NG KAHAPON

BANGUNGOT NG ISANG KAHAPON
Ni: JOMAR LINGA

Sa isang simpleng pangyayari nagmula ang lahat
Modernong teknolohiya, ang siyang naging ugat
Sugat sa pusong kayhirap maampat
Ang kalimutan ka, siyang karapat-dapat

Dahil sa YM, ikaw ay nakilala
Sa kabilang ibayo, doon nakatira
Nakapalagayang_loob hinangad makita
Itong si FREINDSTER, ang siyang naging pag-asa

Tumagal ang siyam na buwan, masayang ala-ala
Sa kabila ng agwat, pagitang milya-milya
Itong pagmamahal walang iniinda
Hindi hadlang ang distansya, basta palaging masaya

Sa pangkaraniwang pagkakataon, away ang umpisa
Gusot sa pagitan, kawalan ng presensya
HAnda bang masaktan, maging ang makalimot
Sa isang hamon, ikaw at ako ang siyang sangkot

Nawala kang bigla, di nagpaalam
Nagsawa? o Sadyang may kumalinga?
Hangad kong ikaw ay lumigaya
Bangungot nag kahapon siyang tanging ala-ala.

No comments:

Post a Comment