Tuesday, November 9, 2010

Kauna-unahan sa Pinas, 7-star hotel pasisinayaan ni P-Noy at Radisson Blu Hotel Cebu

Pasisinayaan ngayon ni Pa ngulong Aquino ang pinaka-modernong hotel sa bansa na itinuturing na isang ‘7-star hotel’.

Pangungunahan ng Pangulo ang inagurasyon ng Radisson Blu Hotel na mayroong 400 room bukod sa 2 malalaking ballrooms at 10 state of the art na function rooms.

Ang modernong hotel na ito ay magkatuwang na itinayo ng Carlston Hotels, SM Hotels and Convention Corporation.

Nag-invest ang SM Investment Corporation (SMIC) ng P2.5 bilyon sa pagsasaayos at pagtatayo ng modernong Radisson Blu Hotel.

Sasalubungin naman si P-Noy nina Mr. Hans Sy at Mr. Grant Gaskin, general ma nager ng Radisson Blu Hotel.

Kabilang din sa sasalubong sa Pangulo ang mga local officials sa pangu nguna ni Cebu City Mayor Michael Rama at Ms. Elizabeth Sy, pangulo ng SM Hotels and Convention Corp. at Mr. Xerxes Meher-Homji, executive vice-president at chief development officer ng Carlston Hotels Asia Pacific World-wide-Asia Pacific.






No comments:

Post a Comment