Narito ang isang artikulo mula sa GMAnews.com
http://www.gmanetwork.com/news/story/310384/showbiz/charice-on-coming-out-i-have-come-to-accept-the-real-me-i-have-come-to-love-the-real-me
Charice on 'coming out': 'I have come to accept the real me. I have come to love the real me...'
Nararamdaman daw ni Charice na "free as a bird" na siya ngayon.
Ito ay sinabi ng controversial singer sa panayam sa kanya ng ninong niyang si Bum Tenorio, Jr., na lumabas ngayong araw, May 28, sa The Philippine Star. Ang artikulo ay pamagat na "You're the man, Charice!"
Nakausap daw ni Bum si Charice sa selabrasyon ng ika-21 kaarawan ng singer noong May 10 sa isang resort sa Laguna, kung saan nagkaroon ito ng mini-concert para sa kanyang malalapit na kaibigan.
Ang party raw na iyon ay parang “coming out” na rin ni Charice.
Nagsilbi na rin daw niya itong "debut party" dahil hindi naipagdiwang nang maayos ng singer ang kanyang 18th birthday dala na rin ng sobrang kaabalahan.
Tanong ni Bum kay Charice: "Where is this feeling of freedom coming from, hija?”
Tugon naman ng singer, “I’m able to express myself better now. I have come to accept the real me. I have come to love the real me. I now celebrate the real me."
Tanong ni Bum: “Even if you have earned a sizeable amount of bashers?”
Sagot ni Charice: “Noong bata pa po ako na wala kami halos makain, may nangungutya na sa akin.
"Ngayon, kahit i-bash nila ako nang i-bash, nakakakain na po ako at ang pamilya ko."
Pagdating naman sa usaping pinansiyal, okay naman daw ang status nito.
Sa katunayan nga raw ay bumili si Charice ng bagong BMW nito lamang Sabado. Pinangalanan niya itong "Captain."
Kulay silver ang bagong sasakyang ito ng singer na binayaran daw in full.
Sabi pa ni Charice, "Even if I don’t work for 10 or more years, I know we will still eat. But why will I do that?
"The only thing that is changed in me is my look, my perspective. My voice remains the same.”
May upcoming shows daw si Charice sa Indonesia at Germany.
Sa Hunyo ay babalik daw siya sa Los Angeles para sa "recording commitments."
Magkakaroon din daw siya ng recording at show sa Japan.
In contact pa rin daw si Charice kay Ellen DeGeneres, pati na sa ninang niyang si Oprah Winfrey.
Ang dalawang American TV hosts na ito ang nagbigay ng daan para magkaroon ng international singing career si Charice.
Alam din daw ni Oprah ang tungkol sa bashers ni Charice.
Sabi ni Charice, "Oprah just told me to keep my cool and not be affected.
"I assured her, ‘Yes, Oprah, I can handle them. My spirit is made of titanium. I will not break.'”
Sa kabila raw ng pambabatikos sa kanya ng bashers ay nagpapasalamat pa rin si Charice sa mga ito.
Aniya, “But I’m thankful to my bashers, too. They make me so much stronger.
"I love them. I offer them peace.
"And I will forever be grateful to those who have loved me since Day One.”
Malaki raw ang utang na loob niya sa kanyang fans, ang mga Chasters, na may mga miyembro sa iba't ibang bahagi ng mundo.
Sinabi rin ni Charice na magkaibigan sila ng legendary singer-actress na si Barbra Streisand.
"She was one of those who told me I don’t owe anybody any explanation.” -- Arniel C. Serato, PEP
No comments:
Post a Comment