ISSUE: RELASYON NG PILIPINAS AT TAIWAN
NOON:
Sa nangyaring gusot sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan matapos mabaril at mapatay ng Philippine Coast Guard ang isang mangingisdang Taiwanese sa Karagatang malapit sa Pilipinas (na ngayon ayon sa balita ay naganap na wala sa teritoryong sakop ng Pilipinas ang naturang insidente.
Lumala ang gusot at nadamay maging ang kababayan nating Pilipinong manggagawa sa Taiwan kung saan sinasaktan kung di man ay di pinagbebentahan sa mga establisyementong pag aari ng mga Tawianese. Nabalita ang ilang kaso ng pananakit sa ating mga kababayan partikular kay (Juan dela Cruz) base sa interview ng GMA NEWS TV.
Kahapon sa TV PATROL maging sa ibang News Program dito sa Pilipinas nabalita ang di-umanoy mga Taiwanese na umookopa sa isang resort sa Davao City. Matapos pasukin ng Davao Police ang naturang lugar kung saan sila nanunuluyan, nakumpiska ang ilang computer parts na bagamat di malinaw ang kanilang pinagkaka-abalahan doon. Nabalita rin na nais ng mga naturang Taiwanese na magsampa ng kaso sa mga pulis na di umanoy illegal na pagdakip sa kanila.
NGAYON:
Kaninang tanghali sa Flash Report ng GMA 7, nabalita ang deportasyon ng mga naturang dayuhan dahil sa wala namang napatunayang kaso.
OPINYON:
Sa mga nangyayari sa Taiwan, sa ginagawa nila sa ating mga kababayan, ano nga bang aksyong ginagawa ng ating pamahalaan? Sa insidenteng pagdakip sa mga Taiwanese sa Davao City karagdagang problema ba ang kakaharapin natin kapag napatunayan ng mga naturang dayuhan na wala naman silang ginagawang mali, ano na namang resulta nito? PNIBAGONG GUSOT?
Kilala ang mga Pilipino sa pagiging mabait, tahimik, maging sa pagiging maasikaso. Mapipigilan ba ng isang Pangulong Noynoy Aquino ang damdamin ng mga Pilipino sa gaarang aksyon sa mga pangyayari?
Ikaw, kung bibigyan ka ng pagkakataong magdesisyon sa gusot na ito? Paano mo aaksyunan ang mga nangyayari?
No comments:
Post a Comment