Tuesday, May 21, 2013

Kalderetang Manok

 Copy from :http://www.lakusina.com/calderetang-manok/



Sangkap:kalderetang manok
  • 1 ½ manok, hiwain
  • 1 tasa suka
  • 1 tasa toyo
  • 5 butil na bawang, dikdikin
  • 1 kutsarita paminta durog
  • 2 sibuyas, hiwain
  • 2 tasa tomato sauce
  • 2 lata liver spread
  • 2 patatas, hiwain sa apat at iprito
  • 1 siling pula, hiwain
  • 2 sili labuyo, tadtarin
  • ½ tasa keso, gadgarin
  • mantika
  • asin

Paraan ng pagluluto:
  1. Paghaluin ang manok, suka, toyo, bawang, paminta at asin. Hayaang nakababad ang manok sa loob ng 4 na oras at ilagay sa refrigerator bago iluto.
  2. Patuluin ang mga piraso ng manok at iprito hanggang sa maluto. Itabi.
  3. Igisa ang sibuyas at ihalo ang pinagbabaran.
  4. Idagdag ang tomato sauce, liver spread, keso, sili at iba pang natirang sangkap.
  5. Pakuluan hanggang lumambot ang manok.
  6. Hanguin at ihain.

No comments:

Post a Comment