Nagpalabas
ng "10 Utos sa Responsableng Pagboto" ang citizens' arm na Parish
Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) kaugnay ng halalan
ngayong Lunes, Mayo 13.
Kabilang sa 10 utos ang mga sumusunod:
1. Bumoto ka ayon sa sinasabi ng iyong konsensiya.
2. Igalang mo ang kapasyahan ng iba sa pagpili ng kandidato.
3. Kilalanin mo ang pagkatao, kakayahan at mga katangian ng mga kandidatong nanliligaw sa iyong boto.
4. Alamin mo ang mga isyu, plataporma, at programa ng mga kandidato o partidong tumatakbo sa halalan.
5. Huwag mong ibenta ang iyong boto.
6. Huwag mong iboto ang kandidatong gumagamit at labis-labis ang 4 Gs - guns, goons, gold at greed.
7. Huwag mong iboboto ang kandidatong may record ng violence at ng graft and corruption.
8. Huwag mong iboboto ang kandidato dahil lamang sa utang na loob, ganda, popularidad o pakikisama.
9. Huwag mong iboboto ang kandidatong immoral sa kanyang personal na pamumuhay.
10. Isaalang-alang mong una at higit sa lahat ang kapakanan ng bayan sa pagpili ng kandidatong iboboto mo.
Umarangkada na ang election monitoring ng PPCRV mula sa command center nito sa Pope Pius Center sa UN Avenue, Manila.
Kabilang sa ikinababahala ng grupo sa halalan ang anila'y talamak na vote buying at vote selling.

No comments:
Post a Comment