Tuesday, May 28, 2013

Vice Ganda says sorry to Jessica Soho


Comedian Vice Ganda on Wednesday publicly apologized to broadcast journalist Jessica Soho on the noontime show "It's Showtime" over a sketch in his recent concert.
"Lahat ng tao nagsalita na at nagbigay ng kanya kanyang opinyon. Itigil na natin 'to. Itigil na natin ang pagbibigay ng opinyon lalo't lalo na hindi niyo alam ang buong nangyari at hindi kayo nanood ng concert."

"Tinawagan ko po kara-karaka kanina si Miss Jessica Soho. Nag-ring ang phone, sa boses pa lang alam ko ng si Miss Jessica Soho. Sabi ko 'Good morning po, pwede ko bang makausap si Miss Jessica Soho?' at sumagot, sabi niya, 'Sino ito para saan ito?' Tapos sabi ko, 'Ako po si Vice Ganda.' Tapos sabi niya, 'Si Jessica Soho ito pasensiya ka na kasi hindi maganda ang timpla ko ngayong araw na ito.' Kaya sabi ko naman 'Okay po. Is it okay po if I will call you later, tomorrow or some other day?' Sabi niya 'I don't think so."

"Ako po ay tao, mukha lang akong kabayo. Hindi ako perpektong komedyante at alam ko sa sarili ko na hindi lahat ng joke ko ay nakakatawa. Mayroong isang tao na magsasabing hindi ako natawa, depende 'yan kung paano mo tatanggapin. Gayon pa man, mula sa puso ko humihingi ako ng paumanhin.

"Sana tapusin na natin ang isyu na ito at pinapanalangin ko na mapatawad ako. Sa lahat ng mga nagsalita sa akin ng masama, lalo na 'yung hindi nakapanood at nakaparinig lang, okay lang. Kung hindi niyo ako naunawaan, ako ang uunaw sa inyo."

 

No comments:

Post a Comment